Friday night, nagpunta kami sa Coco Bar, first time kong makapunta sa ganung lugar, first time ko ring sumama sa kanila. Nung papunta kami ng Pacita, nalaman ko na wala pala akong barya, thanks to Carlo, sagot na daw niya yung pamasahe ko. :) Pagpunta dun, hmm.. as usual nakaupo lang ako. Tapos nagorder na sila ng drinks. Yung isa, Choco something. Yung isa hindi ko alam. Nag c2 kami ni TL Jan. Hehe... Anyway, pinatry din nila sa akin yung Choco something, Sa dalawang pitcher naka 2 shot lang ako. hehe... Mahirap na, hindi pa naman ako nainom. Pero masarap ha in fairness, parang chocolate drink. Yung isa naman Kulay red ata yun. Gudlak sa tiyan nila.
Ang gagaling sumayaw ng mga becky, lalo na si Carlo, kumpleto with the attitude, facial expression at syempre ang galing niya talagang sumayaw, pati nga lang ako dinadamay niya sa mga sexy dance niya. Maya maya dumating na sila Onin at Rain. At maya maya pa... Sumuka na si Jale, yung trainer namin. Syempre, ako lang ang nasa tamang pagiisip kaya sinamahan ko siyang sumuka sa labas. Nakatatlong suka siya. At tama bang tanungin ako ng "How much is blah blah?" Basta something about client specs. Pambihira. Sabi ko, "Jale, its Saturday!" Nakakatawa ang mga itsura nila. Pagkatapos nun kumain kami sa.... Nakalimutan ko na. Hehe. Basta sa may Pacita din. Tapsi. OK lang. di ko naubos, kaya kinain ni Carlo yung natira ko. Ayos.
Tapos nagpunta kami ng Ministop. Nanglibre si Jale ng ice cream. Sayang wala pang pics, di pa yata nasesend ni Jale. Nakauwi ako sa bahay ng almost 6am. Naligo na ko agad kasi pupunta kami ni Jam sa kanyang hometown sa Cuenca, Batangas. Chillax.
Akala ko pa nga hindi kami matutuloy kasi nung nagpunta ako sa Pacita ng 7am, wala si Jam, ang hula ko, nakatulog siya. At tama ako. Umuwi na lang muna ako at natulog. Masakit na kasi ang ulo at mata ko. 11 am nagtext na si Jam! Yehey! Tuloy kami. Kaya bihis ulit ako at nung nagtext na si Jam. Pumunta na ko ng Pacita. Hello Batangas!
Kasama namin yung kuya niya, si Julian.
SA LABAS NG KUBO NILA JAM with JULIAN.
Ayan siya. Feeling close ako. Hehe. Eh kasi ang bait naman nila, great listener pa. Batanguenos are sweet, warm at sobrang babait and they love to sing. Their dad greeted me with a kiss, "nice meeting you hija" he said. When their dad sang (I forgot) anyway, Jam said that the song was dedicated to their mom who passed 2 years ago. I tried my best not to cry. Grabe, pag narinig mo na kinakanta nung Daddy nila yung song, mararamdaman mo yung sobrang pagmamahal niya sa asawa niya. Grabe pa yung lyrics. Hay...
Sobrang swerte nila sa daddy nila, sobrang maalaga, napakasweet at super cool. Hindi kumakain si Daddy Jose hanggat hindi kumakain yung mga anak niya(Meron pa kayang katulad niya...) As in. Kahit yayain mo siya. Basta. Magaan lahat kapag nanjan sila. Ang ganda ganda pa ng lugar. Paraiso sa gitna ng bundok. Sobrang ganda... Ang sarap tumunganga at tumula, gumuhit at kumanta o kahit ano. I can stay there forever. Nung gabi na, hindi ko kinaya ang lamig. Sobra! Para akong nasa Tagaytay sa lamig... Pinahiram ako ng jacket ni jam, yung jacket ni Jason. Nice.
Kapeng barako. Great company. Suman. Great cook. Sweet and fun people. Kasing lamig ng Tagaytay. What more could anyone ask for? Nakakainis lang kasi naman nawalan ng battery yung digicam ko. Tapos yung nabili ko ayan. 6 shots lang. Wala manlang kaming picture ni Jam. :(
Kinabukasan, maaga akong nagising. Eh ayaw ko namang gisingin sila Jam o kaya si Julian kaya nagpasya na kong tumayo at sana maglakad lakad. Pagpunta ko sa kubo, sinalubong ako ng aso. Si cheche. Sa takot ko, napasigaw ako ng" Ate! Ate!" Haha. Laughtrip. Bumalik na lang ako sa taas at nagbasa basa. Buti na lang nagising na rin si Julian kaya may kasama na ko ulit. Nagpunta kami ng palengke para bumili ng pasalubong at kapeng barako, tapos dumaan kami sa puntod ng mommy nila. Nag-hi din ako. Nalaman ko na sa lola pala nila pinangalan ang Villa Cornelia.
Pagbalik namin sa resort. Pare pareho kaming hindi makatayo sa kama nila Jam. Inaantok kasi ako. Pinapauna nila akong maligo. Pinapauna ko naman sila. Dapat kasi magsu-swimming kami eh wala pala akong dalang short. Hanggat dumating yung daddy nila, malapit na daw kumain kaya maligo na kami. Pinagkaisahan ako ng magkakapatid. Ayaw ko pa daw kasing maligo. Sabi ng daddy nila,"Hoy, kulasa. Gusto mong..." Syempre natakot ako. Natawa rin kasi nun ko lang ulit narinig na may tumawag sa akin na kulasa. Kahit di ko alam ang ibig sabihin nun. Hehe. Napaupo ako sa takot habang tinatawanan ako ng magkakapatid. Humiga ako ulit kasi akala ko lumabas na yung daddy nila. Yun pala hindi pa, ayun, napalo tuloy ako ng envelope sa pwet. Hehe! Sabi ko, "Akala ko po kasi lumabas na kayo eh." Hehe... Ayun. Kumain na lang muna kami bago naligo.
Jason, Jam and Julian. Hay.... Ang makukulit pero super sweet na magkakapatid.
The view of the mountain. Sayang nga lang di ko napiktyuran yung cafe kasi ang topak nung digicam. Ang ganda ng disenyo ng resort. Lahat. Effort lang ng magkakapatid ng mommy nila.
Well, well, well, wishing well.
Dilaw na gumamela na may dalawang insektong nakatarangka.
Super ganda talaga ng lugar. Lasang ulit at lasang balik. Hehe! Sabi ng daddy nila, balik daw ako sa birthday niya at nalaman ko na magkasunod lang pala ang birthday namin. Sept 4 siya, Sept 5 naman ako. Kaya pala sweet din siya at napaka OC magsampay at nagtiklop ng damit. Pareho kami. Soulmate daw kami sabi ni Daddy Jose. Hehe! Hay...
I left my heart, my brain and my shoes at Villa Cornelia, Cuenca, Batangas... Sana makabalik pa ko dun...
Monday, July 13, 2009
Sweet Escape
Sealed by Marya at 9:35 AM 0 thought I'm normal Links
Tags escapade
Friday, July 10, 2009
Fragile
Look for a word stronger than GAIN, he answered, Gain plus. tsktsk. Hehe.
Hay... You'll come to a point where in you'll realize again even if you have proven many times before that money is just as unrealiable as human. Oh yeah, tell me why, why, please dont tell me that it's human nature. Tinitignan ko na lang kung anong nagaabang sa akin pagkatapos ng lahat ng pagtitiis at paghihirap na to. Oh yeah, it's human nature. May karapatan naman siguro akong magdrama kasi I work my ass off everyday tapos.. Hay... Wala ng natira. Haha! Lagi na lang akong nagbabayad ng utang ng iba...
Hay... Enough right? Count your blessings instead of sheep. I'm blessed because I have a job, I'm blessed kasi kung nahihirapan man ako magbayad ng bahay, at least its going to be mine, thats something to look forward to. I'm blessed because I'm alive and well. I'm blessed because I have my family. So why worry? I mean, look at the birds in the air and the lily in the fields, God provides for their food, shelter and clothing. Ako pa kaya na anak Niya. Instead of fixing my eyes sa mga problema, might as well fix my eyes to the Source- God will take care of the problems and my job is to seek first His kingdom and His righteousness and EVERYTHING will be added to me as well. Matt. 6:33 I know it will all get better in time. What I can do for now is take what I can, enjoy what I have and trust that God will follow through.
I know right? Wala lang. Gusto ko lang mag vent out. Gusto ko lang ilabas ang hindi kayang ilabas ng tsaa. Kahit minsan lang. Akala kasi ng iba hindi na ko tinatablan ng bala. Hindi sa akin bagay yung mahina, kaya totoo talaga na hindi ka bibigyan ng Diyos ng pagsubok na hindi mo kaya.
Then you'll realize, grabe pala ang tingin at tiwala sa iyo ng Diyos. If God thinks I can handle this much, He must've seen something in me and I feel grateful, sino ba naman kasi ako para magreklamo. If God thinks I can do this, means I can do this, not by my own strength though, but through God who gives me strength.
So why worry about the future, let the future worry about itself for today has enough trouble on its own... I pray that things will get better between my beloved TL and her love. Having my relationship broken doesn't mean that the relationship of the people around me needs to fall apart too. Kailangang putulin na ang sumpa ng Ttech Sta Rosa! We all deseve to be happy.
Be happy. :)
Sealed by Marya at 9:50 AM 3 thought I'm normal Links
Tags vent out
Thursday, July 09, 2009
Marysteryosa
I'm planning to re-engineer my blog, kaso ngayon medyo limited pa ang kakayahan ko kasi di ko pa napapagawa yung laptop ko. Syempre nandun ang photoshop ko saka basta, iba pa rin pag sariling mong desktop o laptop yung gamit mo para i-tweek ang blog mo eh. Medyo pangit pa tuloy yung header ko no. Dibale.. Isang araw maaayos ko din ulit yan. :) Hmm.. Let's see.
Marysteryosa.
Mahilig mag-istorya.
Pero hindi chismosa.
Mary's observatory.
Lately kasi parang gamit na gamit ang pagiging observant ko. Ang dami kong napapansin na magaganda at interesanteng bagay. Buhay na buhay ang imahenasyon ko. Para akong nasa isang laboratoryo at lahat ay nakikita ko sa pamamagitan ng aking mikroskopyo. Bawat laman at parteng nadidiskubre ko ay maganda sa paningin at kapakipakinabang.
Paguwi ko kagabi naabutan ko pa yung Born to be Wild. Pinuntahan nila yung Biri Island sa Northern Samar. Ang ganda ng mga rock formation. Hindi ko akalain na may ganun kagandang rock formation dito sa Pilipinas. Gusto ko tuloy yun mapuntahan. Kaso ang dami talagang walang disiplina, hindi marunong ng Clean as you go. Hindi lang basura ang iniiwan kundi pati mga sulat sa wall ng mga bato.... Hay...
Ganda diba... pic from here<
Hindi ako mahilig sa kotse pero may napanuod ako sa net25 nakalimutan ko yung model pero FIAT car siya. Yung lumang model na sa malayo hindi mo alam kung reverse o forward yung takbo niya. Ang cute. It was a vintage car. Hindi ko mahanap yung exact model sa internet. Siguro modified na yun.. Hmmm..
I smell bonus! Excited na kong magbukas. :) Tama nga ang desisyon kong lumipat na lang dito. May job offer sa Guam. Hmm... I don't know what to do yet. Basta, if its God's will matutuloy naman ako umalis eh. Kung hindi ibig sabihin, dito muna ako, ayaw din kasi akong paalisin din ng mommy ko. Kung kaya ko daw kitain dito yung kikitain ko dun eh di dito na lang daw ako. Hindi pa siya magaalala. Hmm.. Makes sense.. Pero I'm open to possibilities. For now, chillax muna. Enjoy life. :)
Sealed by Marya at 9:45 AM 2 thought I'm normal Links


